Monday, March 26, 2007

Pagtitimpi

Sabi ng AMA mas mapalad ang mga nilikha na nagkamali, nagbago at natutuong magtimpi. Ano pa man ang dahilan ay hindi dapat saktang pisikal ang isang tao.

Gayon pa man ay may mga tao na hindi kayang hawakan ang sariling pingkok. Makuyain mo, heto ang isang halimbawa sabihin nang makulit, maingay at nakakadistorbo ang iyong kasama habang nag-iinom pero hawak pa rin kanyang kaisipan. Ikaw naman ay nasa ibang grupo at nag-iinom din. Umaalingawngaw ang ingay ng buong grupo sa hindi kawasa'y bigla mo na lang sinuntok sa pisngi ang iyong kasama, na nakaupo habang nakikipaghuntahan, nang walang sabi-sabi. Ang iyong kasamang sinaktan ay nag-isip ng kung ano ang tamang gawin. Maraming maaaring gawin ng pagkakataong iyon; pwede niyang damputin ang itak sa kanyang tabi at halihawin ka; maaari din siyang makipagpangat sa iyo; at marami pang iba subalit ang pagtitimpi lang ang tama.

Tama lang upang maisabuhay ang sinabi ng ama na nakaratay. Isang katanungan sino pa sa atin ang kayang magtimpi at ganapin ang habilin? Isa pa, kung kaya sa iyo ito nangyari, magagawa mo kaya ang magtimpi?

Ang magtimpi ay hindi karuwagan bagkus ito ay mas mataas na antas ng katapangan.

Isipin ang maaaring maging bunga.

"Lingunin lang ang masamang pinanggalingan at huwag babalikan, anumang sigwa at balakid ang humarang sa iyong daraanan ay gamitin lamang ang pagtitimpi para sa kaganapan".

Ang lahat ng ito ay para sa iyo Tatang.

No comments: