Monday, March 26, 2007

Pagtitimpi

Sabi ng AMA mas mapalad ang mga nilikha na nagkamali, nagbago at natutuong magtimpi. Ano pa man ang dahilan ay hindi dapat saktang pisikal ang isang tao.

Gayon pa man ay may mga tao na hindi kayang hawakan ang sariling pingkok. Makuyain mo, heto ang isang halimbawa sabihin nang makulit, maingay at nakakadistorbo ang iyong kasama habang nag-iinom pero hawak pa rin kanyang kaisipan. Ikaw naman ay nasa ibang grupo at nag-iinom din. Umaalingawngaw ang ingay ng buong grupo sa hindi kawasa'y bigla mo na lang sinuntok sa pisngi ang iyong kasama, na nakaupo habang nakikipaghuntahan, nang walang sabi-sabi. Ang iyong kasamang sinaktan ay nag-isip ng kung ano ang tamang gawin. Maraming maaaring gawin ng pagkakataong iyon; pwede niyang damputin ang itak sa kanyang tabi at halihawin ka; maaari din siyang makipagpangat sa iyo; at marami pang iba subalit ang pagtitimpi lang ang tama.

Tama lang upang maisabuhay ang sinabi ng ama na nakaratay. Isang katanungan sino pa sa atin ang kayang magtimpi at ganapin ang habilin? Isa pa, kung kaya sa iyo ito nangyari, magagawa mo kaya ang magtimpi?

Ang magtimpi ay hindi karuwagan bagkus ito ay mas mataas na antas ng katapangan.

Isipin ang maaaring maging bunga.

"Lingunin lang ang masamang pinanggalingan at huwag babalikan, anumang sigwa at balakid ang humarang sa iyong daraanan ay gamitin lamang ang pagtitimpi para sa kaganapan".

Ang lahat ng ito ay para sa iyo Tatang.

Wednesday, March 21, 2007

Kapayapaan

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN..............

Si Inang ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;

Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;

10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sahapon; Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo;

Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a;

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;

Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kayamalaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exam;

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mgaanak...

Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep;

Noon mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili:trak-trakan (gawasa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, "isketing"(scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit natansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwedepang makipag-lagutan); sumpak, pilatok o siyatong, boca-boca, borador, at iba pa. Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata:kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba,turumpo, tatsing nglata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon iyon!) May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;

Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin; Namumugalgal ang pundya ng karsonsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!Sana pwedeng maibalik...Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob...Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kaya ayaw tayong mapahamak o mapariwara... Na una silang nasasaktan kapag pinapalo nila tayo...

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit..Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys. Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pagnanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw". Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasiwala namang calculator. Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa katre; Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae; Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok o sinturon.Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice drop, ice-candy o pandesal noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;

Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...Espirito santo kapag nagmamano. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni Ama kasi may tinola!

Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo o biscocho?Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron panglibreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakombo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat; Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.Madami pa...Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin;ang isa-isang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog; Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall nagupit; Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda atkumot; madumi angmanggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin salaylayan...May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk. Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...Di ba noon...Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino basa dalawang ito? Ito ba o ito?"...Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman; Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.

Yung matatandang kapatid ang pinakaayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inang, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.

Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN! Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Tuesday, March 20, 2007

Sa Ilalim ng Kasaganaan

Dati-rati ay isang uhuging musmos na naglalaro ng holen sa bakuran nila Mamang Lonsio. Nang-iigib ng tubig sa posong de pitsel kina Ditseng Ina. Sinanay sa isang payak na pamumuhay at hinubog sa ilalim ng hilahil na hindi makakat ng de kahong kaisipan. Mababaw ang hangaring dinadala bunsod ng ilaw na kingke tanging tanglaw sa pusikit na gabi sa gitna ng mga buriking animo ay humahalik sa langit. Kaalinsunod ng mga umagang kapiling ang mga kalabaw sa pastulan na ngumingima ng mga damong tigib sa hamog. Isang simpleng pangarap sa isang simpleng kabuhayan.

OO nga at totoo isang simpleng pangarap sa gitna ng pinanghihinlabuan. Subalit ang mga panahong yaon ay lumipas kasabay ng mga gurlis, peklat at koyo sa balat pati na rin ang kalyo sa mga paa't kamay. Binago ng napapanahong kalakaran na hindi mabatid ang tunay na kasaganaan. Ano nga ba ang tunay na kasagaan?

Monday, March 19, 2007

HIRAM

Ang buhay ay bigay sa atin ng ating mga magulang at hiram lamang sa ating mga anak.

Oh...Weekend

Bonjour. Thank you very much for such a wonderful weekend. Au revoir.

Friday, March 16, 2007

The Beach Party

In order to unwind and to make our emptiness filled during Christmas, the Team decided to have a party at the beach with fine mocha sand, Gite Kaanua. The water is crystal-clear with a pristine landscape. It feels like you are in a paradise!!! See what I mean...Hehehe!

The Module

As I mentioned the complex module, it is located at the Prony (Area 350) the main source of energy that will be supplied to all machineries in the entire project site (Goro Nickel).

The Limbo

On November 01, 2006, our Team (Atlantic, Gulf and Pacific Company) departed Philippines to Nouvelle Caledonie. Now I am in the midst of limbo where i am rendering my service as a Safety Engineer at the same time Environmentalist. The limbo is offering many great things, very colorful and challenging and not to mention amazing structures sculptured by modern science. At first I can't believe my eyes when i was infront of a very complex module.